Wednesday, October 14, 2015

HOW TO OVERCOME YOUR FEAR IN YOUR NETWORKING BUSINESS?


 How to overcome your fear in your networking business?

Sino  ang  gustong maging sucesssful sa kanilang  network marketing business? For sure lahat ng
pumasok sa ganitong business ay lahat gustong umunlad ang buhay. Pero bakit kaya 90% pataas ay hindi na-achieve ang kanilang goal. Bakit kaya?

And I believe na ito ang pumipigil sa mga entrepreneur.   Itong 4 letter word  na’to. FEAR.
Pag  may nararamdaman kang kahit anong takot sa business mo, apektado ang resulta nito.
Kung  ikaw ay network marketer at may fear  ka sa pagharap sa maraming  tao,sa  tingin mo  ano  ang pwedeng   mangyayari?  Ang  mangyayari, hindi ka makakapag -take ng  action, pag hindi ka nag- take ng  action, hindi mo makukuha ang gusto mong  result. At  pag  hindi mo  nakuha  ang mga small actions  mo  katulad  ng : first pay in,  first leader, team building ,  ano  sa  tingin mo ang
mangyayari sau, syempre   hindi mo makukuha ang  bigger goal mo.

Hangga’t hindi mo nao-overcome yang  fear  na  yan, paulit ulit lang  at  paikot ikot lang ang
ginagawa  mong  walang  resulta.      At usually  ang  common  fear  na  nararanasan  ng  networker ay  fear  of change.Kasi nga  dati,  hindi  naman  sila  nagpropormote,  hindi   sila  
nag iinvite,  hindi sila parating  na re- reject,  hindi sila laging   nag- eexplain,  hindi
sila  nagbbuild ng team  so ang nagyayari  hindi na  nila  binabago ang bagay na dapat
nilang baguhin. yan ang  tinatawag  na fear of change.

Ngaun ang pag uusapan natin ay different types of  fears  na  kadalasang  nararanasan ng  network marketer, Affiliate marketer or any marketer  which involve opportunity at kung paanu ito ma oovercome. Once na overcome mo  ang fear na ito, doon ka magsisimulang  magkakaroon ng resulta.

So ngaun , gusto mo na bang magkaroon ng resulta  sa pamamagitan ng   pag overcome sa   mga
Fear  na meron ka.

Bago natin pag usapan  ang  types of  fears,  alam mo ba na okey lang  ang may fear, lalo na kung ikaway first Timer sa  business mo. Okey lang yun, normal lang yun. Yung mga bagay na first time
mo palang  gagawin  talagang nakakatakot  yan. Example, sino d2 ung marunong mag drive, di bat
nakakatakot humawak ng manebela  kapag hindi ka pa marunong,  pag may kumakausap sa iyo,
ayaw  mong  paestorbo dahil nakaconcentrate ka sa pagmamaneho mo. Nasa isip  mo na  baka
mabangga kayo,  nasa isip mo na baka makasagasa  ka. Kung ano ano pumapasok sa
isip mo kasi nga first mo pa lang.

Pero after one month,ay simple lang  pala, hindi naman pala  mahirap. Dahan  dahan  nagkakaroon  ka na ng coordination,  dahan  dahan  mo na siyang nakakabisa. After 6 six monts, after one year
napakagaling mo nang  mag drive.

 Another example….sino yung  naalala  pa yung unang pag pasok sa school  noong kinder?  noong Grade 1? Marami pa nga jan ay  umiiyak pa  pagka iniwan  na  ng mga  nanay nila.  Eventually, unti unti pag nakilala mo  na mabait  pala ung si  teacher marunong ka nang makipagkaibigan sa di mo dati kakilala  may bago ka ng mga kalaro yung upuan  nagagamay mo nang upuan. Ganun, unti unti.nawawala na ang takot mo. Normal lang yun.

Another example, sino ang naalala  pa ung first time na mag ka boy friend girlfriend,  lalo na sa mga Boys ,yung  unang pangliligaw  na  nagawa nila,  di ba nag kakanda bulol bulol ka pa., takot na takot ka  na  baka ma- busted,  baka ma reject at kung ano ano pang uncomfortable feelings na nararnasan mo. Pero kapag-girl friend  mo  na, ayun ok na , tanggal ang lahat ng kaba mo.

 Every thing na gagawin  mo  ng first time / nakakatakot!!

Dito naman tau sa ating negosyo, pag  first time kang  kakausap ng prospect, talagang  papawisan  ng  todo kahit naka aircon ka pa,  mauuhaw ka kahit di ka nauuhaw. Pag mag prepresent  ka  ng  business, di ka talaga mapakali, dahil baka  hindi maganda ang pagka present mo Baka may mali kang nagagawa o nasasabi.     Pero  habang  patuloy  mo  siyang  ginagawa,  patuloy  mo  siyang  iaaral, unti unti/ nakakabisa mo na ang mga  ginagawa mo.  

Kung  ano man yung nararanaasan mo ngaun,  takot kang  kumausap  ng  prospect,  naiilang ka pag mag pe -present, takot kang magbuild ng team, o anumang takot meron ka  wag  kang  mag alala  dahil  normal lang  yan.

Now pag usapan natin  ang  4 major fears

First. Rejection.   Ayaw na ayaw natin ng mare-reject. Walang may gusto na sila ay mareject , GUSTOKONG MAREALIZE MO, NA HINDI DAPAT  KATAKOTAN  ANG  REJETION  DAHIL  araw araw natin yan nararanasan.  Example. Galing ka sa SM  nag shopping at  ang bigat ng iyong pinamili. Hassle  sa  pagbubuhat   sa sakayan. Eto na  nagpapara ka ng taxi,  tanong ng driver, saan ka,,,sinagot mo naman……sinagot ka ulit ng driver: hindi ako rumorota dun… sa iba ka na langpara ka ulit ng taksi,,,,,ayaw  na naman……………Ganyan  ang  ating  
 pangkaraniwang  buhay, araw araw  rin tayong  nakakaranas na ma-reject.

 Tulad din naman yan sa ating  business Hindi lahat ng tao,ay makikita yung nakita mo dun sa business. Hindi lahat  ng  prospects at leads  na  makakausap ay sasali.   Tandaan mo, hindi ikaw ang  nireject nila, kundi yung  opportunity na ino-offer mo.. Kung  opportunity ang reject nila, sino an gang nawalan, eh di sila.  The next time na may  mag reject sa iyo ang sasabihin mo: Thank you very much for your time. Napakaraming  tao  ang  naghahanap  ng business na ginagawa  natin.

 Imagine  this,  hindi rin maganda  kung  lahat sasali sa iyo…Bakit? Kung  Lahat ng tao sasali sa
 iyo,  lahat ng pag uugali na sa grupo mo na….kasama  na jan yung mga pasaway at   negative  
 na  sakit  sa  ulo, walang  gagawin  kundi  sisihin ka  kung  bakit  wala  pa  siyang  resulta.
Di ba?,  hindi rin  maganda……nakakabwusit  at nakakairita…..Salamat  kay Lord  na  hindi
 lahat sumasali dahil you  are looking  only  for the right people.  Alam mo ba kahit yung
 mga top earners, at kumikita na  ng  malalaki ,   na rereject pa  rin sila.  Ang  pagkakaiba ng mga
 successful networker at neophyte, ang  mga top earners, hindi nila yun  dinidibdib hindi sila
 emotional.

  Second.  Public speaking -  Sabi ng marami ganito,hindi ko kaya yang ginagawa mo,mahiyain akong tao hindi ako marunong magsalita sa harap ng marming tao.mag video o magwebinar pa kaya. At baka  kakailangin ko ng mahabang  oras para pag aralan yan  marami rin  akong  ibang
 ginagawa. Let me share my story. Ang akala ko kapag naka online marketing,  hindi na
 kailangan ng personal appearance  sa  mga tao…dahil  Malaki ang fear ko sa public
 speaking. Mali pala ako,  ditto walang ngang personal appearance pero ditto mas kailangan 
 ang iyong  personal touch dahil ang nagcoconnect sa inyo ay internet.  

Hindi nga kayo  nagkikita ng personal pero kailangang maramdaman ng prospect mo  na
tutuong  tao ang kausap nila at kailangan ma build ang trust niya sa iyo.  Kaya yung pinaka
iiwasan ko, hindi ko  pala  pwedeng  iwasan , kailangang  ipakita ko sa prospect na I am a real person available to talk with them, to present to them what they need, And you can do this only
through   Effective Speech .   So I push myself to learn/ about communication and  proper
communications. Sa umpisa talagang mahirap /at walang madali pag nag uumpisa.

At  Pag uusapan natin  yan sa no. 3

3.       ThirdUnknown  -  Most of the time, ang  mga bagay na kinakatakotan  natin ay yung mga bagay na hindi  natin  naiintindihan.   Ang  dami kung  nakausap  na  ayaw nilang  mag  internet
marketing.  Akala kasi nila  mhirap itong gawin at wala silang alam tungkol sa computer . Ang  hindi  nila  alam madali  lang  itong  gawin,  aaralin mo lan siya.

Ang   pinamaganda rito   pwede mo siyang gawin  sa  bahay.. Another benefit pa nito ikaw ang
magdidikta  kung  magkano  ang  kikitain mo.  Sa  mga oFW, ang malakas na kalaban  nila 
ay home sick.  Dito sa negosyong ito,  kapiling  mo ang  pamilya  mo /habang nagtratrabaho
ka sa bahay.   Kung  makikita  lang  ng  mga  tao, ang  napakagandang    benefits  ng  
negosyong  ito,  napakalaki  ng  agwat  nito  kung ikukumpara  sa  ibang  klase  ng  pinagkakaitaan.

Ung  mga  hindi  sumasali, hindi lang  nila  naiintindihan ang  benefits  ng  business  na  ito
 Pag may fear ka ng unknown, anu  ang  kailangan  mong  gawin?  Ang  kailangan  gawin ay unti unti  mo  syang  aralin.  For example  takot  kang   kumausap  sa  prospect…feeling  nila  kakainin  sila  ng  prospect . ang  way  mo  para mawala  ang  fear  mo  ay unit unti  alamin  mo kung  
panu  siya  kausapin.  Halimbawa   may  nagtanong…. Hi oyie !panu ba mag join  jan sa  
business mo….o hh …wag  kang  kakabahan….may  mga  technics  jan  kung  ano  ang   mga  exacto mong  sasabihin  mo  sa  kanila……..pag  tinanong   ka panu ba sumali jan,  tanungin  mo  rin  muna  sila  ng  ganito: napanood mu na ba ung video  presentation  namin or seminaR….wala  
kang  ibang  sasabihin….yun lang.   Kapag  sinagot ka  nya  ng  oo, ito  ang susunod mong itatanong  mo  sa  kanya….ano  ang pinakanagustuhan  dun  sa presentation seminar?

Bakit  effective  yun…dahil  ang  tawag  sa ganung  wordings  ay leading….ni le lead mo  yung  prospect mo  dun sa gusto mung  pag usapan ninyo. Kung  anu yung  bagay  na nagkaroon  ng  interest  ang  prospect mo na  narinig  nya  o mapanood  dun sa video or seminar.  Pag unti unti mo nang nalaman  ang  mga  sasabihin  mo,  sa  tingin  mo, matatakot ka pa ba?  Hindi na dahil
hindi na  unknown  yung  sasabihin  mo  dun  sa  prospect. Dahan dahan mu siyang  aralin.

4    Fourth.  Failure…ito  ang  pinakamalaking  dahilan  kung  bakit  hindi nagtatagumpay  ang  mga
networker  sa  kani-kanilang  negosyo.Ito  ang  no. 1 reason.  Takot  silang  mag fail…..kaya  ang
gagawin  ay  hindi  na  lang  itutuloy  or  hindi  I wo work out.  Ang  failure  ay  isa lamang  
paraan  para matutu  ka.   Kilala  nyo  po ba si Thomas Edison,  ung nakaimbento  ng  
telepono…hindi po -  bombilya po…Si Thomas  Edison, sinubukan  siya  ng  maraming  
beses, maraming  combination  para  mapailaw  yung  bombilya….at naka 1000 beses nyang
sinubukan  hanggat  matagpuan niya  ang  right  filament para  mapailaw  niya  yung 
bumbilya.  

Ganito  ang  mindest  ni  Thomas Edison…..napatunayan niya na may 999 na  hindi  pwedeng
i-combine  para  makapag pailaw ng bumbilya…..Kung  sa  negosyo  naman  natin….parang  
ganito………nag post ka sa facebook…..isang  buwan  ka  nang  nagpo-post dun pero  walang 
pumapansin ……ibig sabihin…….may mali dun sa  ginagawa  mo at  yun  ang  tutuklasin  mo 
para  yung  nagawa  mong   mali  ay maitatama mo……

Panu  natin  mao-overcome ang  fear?

1    First.  Examine your fear/fears.  Be honest with yourself/of what are your fears…..if you  ignore
your fears,if  u didn’t address your  fears well  that would  not bring you success.

2       Second. .Evaluate the worst that can  happen with  your  fears…..halimbawa  takot kang magsalita sa harap ng Tao .most likely to happen/ kung .magsalita  ka  sa harap nila  at alam na alam mo  
hindi  ka pa magaling magsalita, baka may malimutan ka/  ano ang pwedeng  mangyayari?…ang  pwede  lang   mangyari ay  hindi sila sasali….yun lang..kung  hindi sila sumali…anong nangyari  sa  sau,?,,,,nabawasan  ba  mukha  mo? may nawala sa parte ng katawan mo?   Buong buo ka pa rin di ba?. Walang nawala sa iyo  bagkus nadagdagan ka ng karanasan na ganun pala ang magsalita  sa harap ng mga  tao kapag baguhan ka palang.  Meron namang ganito,  practice ng practice kung panu magsalita………pero  walang lakas ng loob na gawin ito sa actual……….wala rin……….ang dapat -  practice at actual.  Kapag ito ay paulit ulit mong  ginawa………mawawala  ang  fear  factor mo…………..hanggang maramdaman mo na natutuwa na pala yung kausap mo at ine enjoy mo na rin ang ginagawa mo.

 At one thing more  .di ba sabi natin kanina…….hindi   talaga   lahat  ng  kakausapin  mo sasali……….siya yun…..siya yung  kasama sa  mga  hindi  sasali…Ang maganda nito  kahit hindi
nag join sa iyo  , napagpractisan mo naman sila… Gets mo?

Third   FORCE YOURSELF TO FACE YOUR FEAR………Kung  alam  mo  na wala palang  dapat ikatakot, bakit  ka  matatakot…….ngaun  kaya  mo  nang  harapin  ang  iyong  takot.

Meron akong KWENTO……….SA  ISANG KAHARIAN sa isang malayong malayong lugar ay may isang prinsesa.  Habang naglalakad  lakad sa kanilang kaharian, nagtataka siya kung  bakit halos lahat ng nakakasalubong ay  lungkot n alungkot at takot na takot ang kanilang mga mukha..  At tinanong niya ung isang nyang nakasalubong ng ganito: “Bakit po ganyan ang mga mukha nyo, tila may kinakatakotan kayo. “Alam mo ba, hija, na mamaya  lang ay darating ang isang higante na naghahasik ng lagim dito sa atin. Maghahamon na naman siya ng makakalaban. Segi, hija , iwan nakita  baka abutin tayo d2……”  Ang prinsesa ay na-curious dun sa higante dahil first time syang makakakita ng higante.  Habang natatanaw niya ung higante, medyo kinabahan din siya dahil Malaki nga pala ito,  Pero ang napapansin nya habang palapit ng palapit siya sa higante, hindi naman pala siya ganoon kalakihan. Unti unti, nabawasan ang takot nya. Nang may limang metro na lang ang kanilang pagitan, dun niya napansin na konti lang pala ang agwat ng taas nilang dalawa..   Sabi nya sa sarili nya, kaya kong labanan ang higanteng ito na sinasabi nila.  At  tinanong nya muna yung sinasabi nialng hegante ng ganito : “Sino  ka ba na naghahasik ng takot ditto sa amin.”     Sagot ng higante:    “Marami akong  pangalan. Sa Chinese ako ay ku che,  Sa Japan ay hyundai , at dyan sa inyo ako ay “Fear” rari….joke po dagdag ko na lang yun. “Sabi ng prinses sa  higante ,uwi na ako, at sasabihin ko sa aming kaharian   na hindi ka pala dapat katakutan.  Sila lang ang naglagay ng takot sa isipan nila. ”

 Ganyan na ganyan din po tayo sa tutuong   buhay..Sundan natin yung   3 tips how to overcome  fears   na ginawa ng prinsesa:
1.Examine your fears.   Inamin ng  prinsesa  na natatakot din siya pero inalam  nya ung tutuong  pangyayari.                 
2 Evaluate the worst thing that may happen.  Sinubukan nyang  tingnan kung  dangerous  nga ba ung sinasabi nilang higante.   At natuklasan  hindi naman pala siya higante,,,,,nananakot lang
 3. Force your self to face the fear.  Kapag nakita mo na walang palang basehan ung tinatawag mong

Thank you very much……hope marami kang natutunan ditto. Kung nagustuhan mo ang topic  natin ngaun, please  press the like button, pwede kayong magsuggest ng topic, write it on the comment box and please share. God bless po sa ating lahat!

To see and learn more from other similar topics/articles, CLICK HERE

Follow me on my facebook fanpage, CLICK HERE