A "should be" Mindset For Every Pinoy Entrepreneurs!
From the heart warming movie “Pursuit to happiness” starring
Will Smith.
Ang Kwento ni Christopher Gardner.
Si Christopher
Gardner ay nagbebenta ng bone density
scanner sa mga manggagamot. Ang machine na ito ay mas magaling kaysa sa x
ray machine, ngunit me kamahalan ang
precio nito. At kapag ang doctor ay
nagtitipid, ang gagamitin na rin nila ay
x ray machines kahit pa maganda ang bone density scanner. Kailangang makabenta
siya ng 3 unit ng binebenta niya para
makasapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya, sa kanyang asawa at sa kanyang 5 taong gulang na anak na lalaki. Ang asawa niya ay nagtratrabaho sa isang
laundry shop para magdugtong ang kanilang pangangailangan
subalit kulang pa rin dahil 3 buwan na silang hindi nakakabayad ng renta ng
bahay.
Wala na rin siyang
maibayad para sa parking fee ng kanyang
kotse, kinakailangang sumakay siya ng
bus para magbenta ng aparato.
Naramdaman ni Chris
na ang kita niya sa pagbebenta ng bone
scanner machines ay hindi nakakatulong sa kanilang pangangailangan kaya
nagdisisyon siya na mag apply sa isang
intership program sa isang brokerage and securities para sa anim na
buwan at pipili lang sila ng isa para
magpatuloy na magtrabaho sa companya nila. At awa naman ng Diyos ay nakalusot siya sa 20 finalist subalit ang
training na ito ay walang bayad.
Sa kanyang pag
iintership, napakaraming problema
ang tumambad sa kanya, iniwan siya ng asawa niya, nawalan
ng bahay, naiwan sa kanya ang
anak niya at saan na sila titira, na hindi naman pwedeng sabihin sa kanyang
employer at baka hindi na siya makasama
sa twenty na napili.
Una, tumira
sa mga libreng offer ng gobierno
subalit napahaba ng pila na kinakain ang kanyang
oras. Kaya napilitan silang dalawa ng anak niya na tumira sa kalye at sa mga bus stations sila nagpapahinga. Pinilit pa rin nya na makapag aral kahit
napahirap gawin dahil lagi nyang nasa isp na isa lang ang pipiliin sa kanila pagkatapos
ng anim na buwan.
Hindi sya sumuko sa kabila
ng mga nakapanghihinang mga bagay
na nasa paligid niya at naging
isnpirasyon niya ang kanyang anak. At
pagkatapos ng anim na buwan ng pagtitiis siya ang natanggap sa twenty na nag
intership.
At doon na nag umpisa
na umaayos na ang kanilang buhay at hanggang naging millionaryo.
Hope nainspire po kayo sa kwento, maiiyak po kayo pag napanuuod nyo pa ung
movie. Promise!
MORAL LESSON OF THE
STORY:
1. KNOW YOUR GOAL.
Alam niya na kahit nahihirapan siya malinaw sa isip nya pagkatapos ng anim na buwan, mag iiba na ang
lahat.
2. KNOW THE REASON WHY.
Mahal na mahal
niya ang kanyang anak at iyon
ang inspiration nya para magpursige.
3. IF THE REASON WHY IS CLEAR, THE “HOW” PROCESS WILL WORK.
Nagawa pa rin nyang
makapag aral sa kabila na mahirap itong gawin.
4. BELIEVE IN GOD THAT HE WILL TAKE CARE OF THE REST.
Sa Diyos
nagmumula ang lahat, sa Kanya tayo magbigay ng loyalty.
PS To learn how to develop that "should be" mindset of an entrepreneur, click here.
To see more similar topics/articles, click here.
If you enjoy reading this write up, please dont forget to like on my facebook fanpage,
click here.
If you enjoy reading this write up, please dont forget to like on my facebook fanpage,
click here.
No comments:
Post a Comment