Friday, August 19, 2016

Paano gumawa ng ads/content or email na seguradong ikli-click ng mga prospects mo?

Take note of this content,  there were 3.6 K viewers, 243 likes, 109 shares and  192 comments at hindi ito paid  fb advertisement



Sa mundo ng internet marketing importante ang salitang psychology. Sakop ng psychology ang behavioral pattern ng mga prospects mo, kung ano ba ang mga galawan nila, ano bang website o blogs ang paborito nilang buksan, sinong business figure aang nila-like nila sa facebook, ano ba ang kanilang pinakamabigat na problema, ano ba ang pinakaasam-asam nila na gusto nilang mangyari sa buhay nila.

Ang pinakaimportante mong dapat na  malaman ay ano ba ang behavioral thinking pattern ng mga tao pagdating sa bentahan or "sales."

Alamin  natin  ang unang batas ng bentahan. (1st law of Sales)

The  first law of sales  is that your prospects do NOT want to buy your products or join your business. Period.

 People loves to buy but they hate to be sold.

Gusto nila ay bibili sila ng dahil yun ay disisyon nila.

So ngaun, ang tanong  ano ba ang  gustong  bilhin ng mga tao…

Karaniwan  ang mga tao ay nagpupunta sa internet  para maghanap ng SOLUSYON.

Halimbawa  tulad nito.

Bakit  bumili  ka ng  librong  ganito, ganyan?

Ang karaniwang sagot ay napakainformative  po ng librong iyan.

Pero  ito ang tutuo:  ang  gusto niya  ay ang  pwedeng  mangyari sa kanya kapag binasa niya yung libro.

Ganyan  ang bentahan sa internet and TAKE NOTE  napakaeffective nito.

Ang maganda pa nito  dahil ang ibinigay mo ay  “mere informations”  ang  gusto niyang mangyari na tagumpay na  makukuha niya  sa libro  ay nasa kanya pa rin effort  kung susundin niya ang mga nakalagay doon.  This allows you to let  their own thoughts do the heavy lifting…

Malinaw  ba yan  sa iyo?

Ngayon ANG TANONG: Paano ba natin magagawa na mismong mga tao ang kusang  magdidisisyon na bumili sa atin? Simple lang sagot. Ang i-offer mo sa kanila ay kung ano yung kailangan nila at gusto na nila. Help people buy things they already want rather than pushing them they don’t want.

At heto naman ang mga tanong na pwede mong magamit para matumbok mo ang  kanilang mga pangangailangan nila.

1. What is your prospects biggest pain, problems, fears?

Like I said earlier, the reason people buy products is to solve a problem.
It’s because they want a result the product promises.

Kung  magagawa mong maunawaan yung mga problems nila , yung problema na yun  ang gagamitin mong message sa iyong content/ads  para  masilo mo sila. Do you get the point?

Exampe what is greatest problem of a networker?
1. Recruiting
2. Rejection
3. How to retain a member in a group?
Yan ang gagawan mo ng content.

Gumawa ka ng listahan ng mga problema (ilagay mo na lahat ng pwede mong maisip)na dinaranas ng mga networkers  at yun ang gawin mong message para blockbuster lagi ang  content mo.

2. What are your prospects biggest goal, dream. Desires?

3. What are your prospects and customers thinking about the future?

4. What goals, dreams, and desires do they have?

5. What are they trying to accomplish?

People who are interested in network marketing  wants financial freedom, time freedom (gusto na nilang makahulagpos sa kanila  recent day job,  ayaw ng makipagsisikan sa mga public bus or train para lang makapasok sa pinagtratrabahuhan,  etc etc etc….

6. Ano kaya ang iniisip nila tuwing tutulog na sila?

Kinabahan ba sila kapag malapit na ang due date ng mga bayarin,  Kapag ang  isa sa pamilya ay nagkasakit, wala yan budget paano na kaya, tsk tsk tsk…..

7. What books or magazines does your audience read?

Halimbawa, ang audience mo ay  naglike ke Robert Kiyosaki,  ngayon, pwede kang mag-observe sa mga topic ni Robert Kiyosaki na nandun pala ang interest  ng audience mo.

8.  Ano ang blogsites or websites na ino-open nila?

And so many more issues na hindi ko naisama dito.

Kung ang mga ads/contents na ginawa mo  ay hindi kini-click , ibig sabihin na ang message na ginawa mo ay hindi kaugma  sa inisip ng mga nakakakita ng iyong ads.

May iba pa namang option, tingnan mo kung ano yung mga vini-visit nilang website para mag ka idea ka ng ibang topic na may interest sa kanila.

Salamat po sa pagbasa  ng article ko,  hope na may napulot po kayong tips dito. Actually ito po ang pinapuso  ng blogging, content making, kaya I suggest na ulit ulitin nyo po ito para mag ka idea po kayo sa blogging at attraction marketing.

Please do like my fanpage.

Brand new online trainings with matching Impact Instrument Blog and Rocket Pages Squeeze Page  to generate tons of traffics and sales conversion, click here.


No comments:

Post a Comment