A "should be" Mindset For Every Pinoy Entrepreneurs!
THE STORY BEHIND ROCKY BALBOA
May isang writer na mahilig magbenta ng kanyang nagawang scriptwritings subalit ito ay nire-reject ng mga directors.
Dahil puro rejects ang nakukuha niya, dumating sa punto ng buhay niya na nauubusan na siya ng pera at pati ang kanyang alagang aso ay di na niya kayang pakainin kaya benenta niya ito sa halagang $50.00.
Isang araw habang nanood siya ng TV tungkol sa isang boksingerong talunan, nagkaron siya ng idea na gumawa ng isang kwento tungkol sa isang boksingero.
At pati siya ay nagandahan sa kanyang nagawang kwento kaya ang ibinigay niyang kondisyon sa bibili ng kwento ay siya ang magiging bida.
Ayaw pumayag ng mga directors dahil ang writer na gaganap ay hindi kilala at walang pangalan. May mga directors na itinaas ang precio pero hindi siya ang bida. Hindi siya pumayag.
Hanggang makakita siya ng isang director na payag na siya ang bida subalit mababa ang bayad.
And the rest is history, dahil ang kwento no Rocky Balboa ay naging blockbuster sa mga movie theaters sa buong mundo at nagkaroon pa ng sequel na 2, 3 and 4.
Nagi siyang isang instant celebrity na walang iba kundi si Sylvestor Stallon. Ang kanyang aso ay nabawi niya sa halagang $2,500.00.
Laking panghihinayang ng mga directors na tumanggi sa kanya.
Inspiring words from Rocky Balboa (Sylvestor Stallon):
"Until you start believing in yourself, you ain't gonna have life."
Kapag na-develop natin ang ganyang attitude, we are now ready to conquer our world, discover more wonderful things, abundance, love, appreciation, fear will be overcome by faith.
Kung na-inspired po kayo sa kwento ni Sylvestor Stallon, maging hamon po ito sa ating mga entrepreneurs. Please press the like button, mag share at mag comment sa ibaba.
Thanks po at God bless! Please do like also my facebook fanpage, click here.
To see and learn more from similar topics/articles, CLICK HERE
No comments:
Post a Comment