Saturday, December 5, 2015

WHAT IS THE IMPORTANCE OF RECIPROCITY IN MLM BUSINESS?



   Ang kahalagahan ng  “Principle of Reciprocity”  sa  ating business?

  Ang  Principle of Reciporcity

Magbibigay muna ako ng halimbawa para may maunawaan natin ang reciprocity.   

1.  May isang   Christian community  na nagplano na  mamigay ng   tracts  noong November 1, 2015 sa  cementerio.  Napansin nila dati na kapag nagbibbigay  sila      ng  tracts harap harapan itinatapon lang  ito    at hindi binabasa.  Kaya nag isip sila ng paraan na ito ay kanilang  tanggapin at basahin.    Ang ginawa  nila  bago ipamigay ang tracts,  nagbigay muna sila ng libreng  juice, para  hindi nila ito  tatanggihan dahil  tutuong  mainit at nakakauhaw ang  maglakad   papasok sa cementerio dahil  bawal ang public vehicle.
Naging maganda ang resulta ng pagdidistribute nila  at marami rin ang nagresponse  sa ibinigay nilang  tracts.
2.  Sa mga drugstores, nagbibigay sila  ng  points sa bawat products na nabili ng customer  at kapag naipon nila yung points, pwede nila itong ipalit ng anumang product  available sa kanilang  promo booth..
3. Kapag may bagong I la- launch  ng  product like   drinks  ang una muna nilang  ginagawa   I introduce muna ito sa market sa pamamagitan ng  free  tasting  sa tabi ng mga supermarket kung saan maraming  tao.   At pag nagustuhan nila ang lasa. ayun madali na itong imarket.

Ang principle  ng reciprocity     ay ang tinatawag na    principle of giving.   At  common na sa mga tao, na kapag tumanggap sila,  nahihiya sila na kailangan may ibalik din sila sa   nagbigay.
At napaka powerful nito, lalong lao na sa larangan ng negosyo. Ito yung tinatawag  na FREE items, give aways    na  kapag ginawa mo ito you are attracting  more people in return.

Pansinin  mo pag  malalaking  event  tulad ng  Olympic Games , naglipana ang mga sponsors tulad ng Smart, Globe, Colgate, Milo,  etc , etc……..yes!  it is one way  of reciprocity,  at the same time promotion na rin ng product nila.   See, it really works!    Smart MOVE DI BA?


Panu naman natin ito I aapply sa ating  network marketing business?

1.       Position your self  as a leader  who will give  education,  empowerment,  enlightenment,  and  entertainment (4E)

To be  a person with  leadership,  you should be equipped with knowledge, skills and attitude.   Bago tayo gumawa ng hakbang,  dapat alam natin kung bakit ito ang ginagawa,  we should be guided by concepts and principles.   Meron kasing  upline/trainor  na nagsasabi na  ito ang gawin mo, ganito, ganire   without explaining  the  principle  behind it.  Hindi mo maiinternalize ang isang gawain   kung hindi mo ito naunawaang mabuti.    Kung  malinaw  sa iyo  ang ginagawa mo,  you are in the right tract.

2.       Ano ang ating gagamiting  pang pang give away sa mga prospects?
            1. Information to Solve their problem
            2. Encouragement because they are do have yet the entreprenuer’s min
            3.  Strategies  we use in making our business reach its goal
            4.  Inspiring  funny stories or  experiences to make their life lighter and let them smile.

3.  Kanino mo ibibigay ang mga give aways na ito? 
      
 Yung  mga natutunan mo na concepts, principles, strategies, trainings , yun din ang                            ibibigay mong  free informations  sa mga  taong interested  sa ini ooffer mo
       1.       sa downlines  or uplines 
       2.       sa crosslines mo,
       3.      sa  mga taong may spirit  of  entrepreneurship
       4.       sa mga naghahanap ng additional income
       5.   sa mga  naghahanap ng trabaho pwedeng gawin sa  bahay
       6.    opportunity seekers or  mga taong mataas ang pangarap sa buhay ………

        In other words, ang mga taong hinahanap mo yung mga taong  katulad mo  na kayang                       gumawa ng massive action na kagaya mo.
4.       Saan mo sila madalling  mahahanap?

       On Offline network marketing,  you have to do these things  manually outside where                        there are lots of people like church,  organizations or civic group,  where many people                      flocks  whatever purposes  they gather, or even in the park, queue in supermarket 
       movie theater, kung saan man may maraming pila.

       On online network marketing, yung mga taong  gusto mong bigyan ng informations ay                     madali mong mahahanap due to our our modern technology called internet.

        We can make use of facebook, twitter.pinstirest ,  Search engine optimization,  You                           tube, Yahoo and Google.  And believe  me,  you can find them easily because of this 
        information tehnology.

  At bago ako magtapos  Mayroon  akong  maikling  kwento sa inyo we have today.


  May isang  pamilya na sakay  sa kanilang  kotse papunta  sa isang lugar para
   magbakasyon  at tumigil sila  sandali  sa  isang  gas station  para mag pakarga na rin  ng                  gasoline at bumili na rin ng snack at drinks.  Ang batang  anak na lalaki   ay nagpaalam na              pupunta sa CR. 
        
   Nang biglang  may naririnig silang  putukan ng baril…..meron palang  enkwentro  ang npa              at pulis  at sila ay pinalilisan ng mga pulis  dahil umuulan na ng mga  bala….at naiwan  ang              bata…….

     Nang maiwan  ang bata, takot na takot ito,  salamat  at may isang  matandang lalaki  ang                nagkawang gawang  ilagay  siya  sa ligtas na lugar   at para mapakalma ang bata ay pina                inum niya  ito ng isang basong gatas,  at sa sobrang  pagod ay nakatulog.   Kinabukasan ,               inihatid niya ito sa istasyon ng pulis  para   maibalik sa kanyang magulang.

     At lumipas  ang   panahon, at makalimutan  na ng matandang lalaki  ang batang  pinainum               niya ng isang basong gatas.  Ang matandang lalaki ito ay mahirap lamang,  at dumating                   ang panahon na nagkasakit  ito  walang  pangtustos  sa kanyang sakit.  At dinala siya sa                  city hospital  dahil  Malala  na pala ito.    Namumublema  ang mga kaanak nya  kung panu
     babayaran ang kanilang hospital bill.
    
      At laking gulat ng malaman nilang wala na silang babayaran,  at pag uwi ng matanda  ay                  inihatid  pa sya ng kotse,   at binigyan  pa siya  gamut at mga  kailangan nya.  
               
     Ang doctor na gumamot sa kanya ay ang batang  binigyan niya ng isang basong  gatas   at               ang hospital  ay pag aari  ng kanilang pamilya.

     Dito makikita natin  ang kahalagahan ng  reciprocity,  kapag    ikaw ang unang  nagbigay 
     maliit man o malaki,  sa di inaasahang  pangyayari ito ay babalik sa iyo.  At tutuong  tutuo              rin ito sa ating negosyo.

    Kung may natutunan po ako sa article na ito, press the like button,  share  at kung may                   tanong po kayo, isulat nyo po dyan sa comment section. 

   To see and learn more from other similar topics/articles, CLICK HERE

   Follow me on my facebook fanpage, CLICK HERE





No comments:

Post a Comment